Nakukuha nga ba sa pagpupuyat ang sakit na pityriasis rosea?

Kulang ka ba sa tulog? Marahil karamihan sa atin ay kulang ang 24 oras para sa mga trabaho na kailagang tapusin. Kung minsan nakakaligtaan na natin na kailangang may sapat na tulog at balanseng pagkain. Ang sabi nga “Health is Wealth”, ano pa ang gagawin mo sa pinaghirapan mo kung mauubos din naman sa pagpapapagamot mo upang gumaling.

pityriasis rosea skin

May isang malungkot at magsisilbing aral sa ating lahat ang nangyari kay Mikaella Pablo. Binasa ko ang kanyang Facebook Account at masasabi ko na successful sya sa kanyang piniling negosyo. May ari sya ng isang online Fashion shop at dahil dito nagkaroon sya ng maraming followers. Nagsimula ang problema nya sa kalusugan dahil sa kakulangan ng tulog. Nuong una ay akala nya lamang ay isang simpleng allergy hanggang ang buong katawan nya ay nabalutan na ng animo flakes na sobra ang pangangati na kinailangan na syang dalhin sa hospital.

pityriasis rosea after more than 2 weeks

Ayon sa resulta ng mga laboratory tests nya, nagkaroon si Mikaella ng isang rare na sakit sa balat, Pityriasis rosea ang diagnosis sa kanya. Ayon sa mga research na nakalap ko ang sakit na Pityriasis rosea ay isang sakit sa balat na nagiging dahilan ng pamumula ng balat or skin rash. Ang naapektuhan ng sakit na ito ay mula sa edad na 10 taon hanggang 35. Ayon sa source na www.webmd.com ang sakit na ito ay harmless. Nginit kabaligtaran ang nangyari kay Mikaella, halos labas pasok na sya sa iba’t ibang hospital dahil hindi na sya makatulog sa sobrang pangangati ng buong katawan nya.

Nagsimula lamang sa isang maliit na skin rash ang napansin ni Mikaella at ng tumagal ay kumalat na sa kanyang dibdib, braso, hita at kalaunan ay nabalot na ng sakit na ito ang kanyang buong katawan.  Iba’t ibang hospital na ang kanyang pinuntahan kasama na ang mga derma clinics, ngunit iisa lamang ang diagnosis   na nakita sa kanya.

Halos gumuho na ang buong mundo ni Mikaella, dahil sa araw araw ay lalong dumarami ang kanyang rashes, sumubok siya ng iba’t iang klase ng skin oinments ngunit lalo lamang dumami ang kanyang sakit sa balat. Binigyan na rin si Mikaella ng pampatulog ngunit hindi na sya halos talaban nito dahil sa sobrang pangangati ng kanyang balat. Umiiyak na sya at nakaramdam na sya ng depression dahil sa bigat ng nararamdaman nya. Gusto na ni Mikaella na matulog subalit sa sobrang pangangati ng balat niya at nawawalan na rin ng bisa kahit ang mga tranquilizer na binibigay sa kanya.

Kapag lumalabas si Mikaella ng bahay ay kailangang naka jogging pants at jacket sya kahit mainit ang panahon. Nakaramdam na sya ng awa sa sarili at ang tingin nya ay pandidirihan na sya ng ibang tao. Sumubok din sya ng ibang source para sa sakit nya, may mga albularyo na syang pinuntahan ngunit ganun pa rin ang nararamdaman nya.

Nag post si Mikaella sa kanyang FB Account upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga tao sa rare na sakit na ito. Nagkaroon ng maraming share ang kanyang post at nagkaroon din ng iba’t ibang komento ukol sa kanyang naranasan.

pityriasis face

Sa ngayon ay nasa recovery period na si Mikaella, nakakapag post na sya ng mga tinda nyang damit sa FB at dahil sa tiwala sa ating Panginoon at suporta ng pamilya kasama na ang tama at balanseng pagkain, pagtulog ng maayos, alam ni Mikaella na papunta na sya sa full recovery. Sa post na ibinahagi nya sa FB, alam nya malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga taong ginagawang gabi ang araw dahil sa pagtatrabaho at nakakalimutan na ang pansariling kalusugan.

Naalala ko ang isang quote tungkol sa kalusugan “ I do not think about being Beautiful. What I devote most of my time to is being Healthy”. Ang kagandahan kasi ay nasa panloob, maari naman tayong maging maganda kung alam natin na maayos ang ating pangangatawan.  Kung may sakit tayo, apektado pati ang panlabas na kaanyuan natin.

Sa mga taong mandidiri lang o Gagawin katatawanan to wag niyo ng Subukan tignan dahil hindi biro yung pinagdaanan ko! Hindi ito simpleng sakit.

My long long journey.. 😯 hindi ko po alam kung paano at saan ako mag sisimula mag kwento sa inyo ng worst experience ko grabe sobrang Depressed ako in the past 2 months as in nawalan nako ng pag asa habang tumatagal lalo na hindi alam ng karamihan kung anong nangyayare saakin bilang na tao lang ang nakakaalam kung ano bang nangyayare saakin. ang daming tanong kung paano saan galing? Kahit ako sa sarili ko sobrang dami kong tanong bakit ganito tong sakit na to?? but sobrang maraming salamat po sa mga taong laging nag papalakas ng loob ko na gagaling ako!! Kailangan ko lang mag tiwala at tulungan ang sarili ko.

Sobrang nahihiya akong ipaalam ang sakit na to bawat may mag tatanong saakin ano daw nangyare saakin? palagi kong sinasabe Allergy lang po so iniisip nila simpleng allergy lang ang meron ako. Pero eto na nga kailangan ko lang lakasan ang loob ko para ipost to dahil sobrang nakaka depressed sa twing nakikita ko to. gusto ko lang din maging aware kayo na meron palang sakit na ganito.

Findings po saakin ay pityriasis rosea unknown cause daw po sabe nun una kong derma. Pero tinanong niya ako kung lagi ba akong puyat. Ano daw pinag kaka abalahan ko. Ayun yun business ko po 😭 grabe bumaba daw immune system ko need ko na daw bumawi ng tulog at mag take ng vitamins.
Pityriasis rosea 3 to 6 months bago mawala to sa katawan at wala pa daw silang gamot para dito hindi po siya nakakahawa. Grabe ang swerte ko no? Walang gamot 😭 so tiis tiis lang talaga labanan. If may tanong pa kayo tungkol sa sakit na yan search niyo nalang po sa google at nasa pictures un ibang kwento ko about sa kanya.

Nasa bawat picture kung saan siya nag start hanggang sa dumami ng dumami. 😭 Sobrang hirap ng pinagdaanan ko hindi biro. Halos 3 Months Akong hindi Nakakatulog ng Maayos dahil sa sakit na to pati pamilya ko laging puyat saakin dahil Wala akong magawa kundi Umiyak ng umiyak wala eh hindi ako tinatablan ng pampa antok na gamot. At pampawala ng kati hindi umeepekto! Walang gamot sa sakit na to. Kundi lakas ng loob at haba ng pasensya. Pero may dahilan si lord kung bakit ako nagkaroon ng ganito sa buong katawan ko. Alam ni lord na kaya ko tong lampasan! At siguro binibigyan na din niya ako ng lesson dahil masyado ko ng inabuso ang katawan ko sa pag B-business! Yung tipong may night market ako mag babantay tapos hanggang umaga na un didiretso pako sa kabilang tindahan para makapag set up tsaka ako uuwe pag dating ng bantay. Halos wala na sa tamang oras yung pag gising tulog at pag kain ko. 🤕 tapos kinabukasan imbis na matulog ako ng maaga nakukuha ko pang mag puyat kaya sobrang lesson na to! Alagaan natin ang sarili natin.

Sabe nga nila aanhin mo yung dami ng pera kung yung kalusugan mo naman naapektuhan wala din yung dami ng pera mapupunta sa lang pag pagpapagamot, kulang pa nga sa sobrang gastos ng sakit na to 😭. Kahit ipon ko wala na lahat ng pinaghirapan ko nasa gamot ko na 💔😢 ang sakit isipin pero kailngan kong gumaling.

Halos Hindi nako makalabas ng bahay ng naka shorts! At tshrt lang! kailngan pag lalabas ako naka jogging pants at jacket! Kahit mainit!! 😭😭 balot na balot ako kahit sobrang kati. Ayoko kaseng makita ako ng ibang tao na may ganyan sa katawan pinandidiriian nila ako at bak iniisip nila na nakaka hawa. Pero alangan i explain ko pa sa kanila so dedma nalang ako hindi sila makakatulong sa pag galing ko kailangan lang maging positive palagi! 🙏🏻

Kaya kayo!! Hanggat maaga iwasan niyo na po mag puyat!! Mag take kayo ng vitamins hindi natin alam kung anong sakit ang pwedeng dumapo saatin ingatan ang kalusugan wag abusuhin ang katawan iwasan na mastress!

Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng taong nag alala sa kalagayan ko at walang sawang Pagdadasal na sana gumaling nako agad lalo na sa pamilya kong laging naka suporta saakin lalo na pag kailngan ko dalhin sa ganito ganyan para mag p check up. Thankyou po sa inyo pinalakas niyo loob ko. Sobrang galing ng diyos 🙏🏻

Naniniwala ako magiging okay nako ng tuluyan! As in magiging normal na ulit ang lahat makakalabas ng maayos at magiging kumportable na din ako Konting tiis nalang! Makakabawi din ako ulit! At lahat ng taong tumulong finacial thankyou po. Promise pag galing ko babawi ako agad 😊😘

Lahat po ginawa na namin mawala lang to ilang hospital na napuntahan namin okay naman lahat ng result kahit dermatologist tatlong doc na kahit po albularyo sinubukan namin wala naman mawawala if susubukan e sobrang nag aalala na din kase magulang ko baka daw meron ng galit saakin at kaya nag kaka ganto katawan ko. Pero kasabay non tuloy pa din ako sa mga pacheck up sa hospital ilang beses nako nakuhaan ng dugo at kung ano anong test halos lahat nagawa na pero talagang okay lahat sadyang pityriasis rosea sobrang humina yung immune system ko.

Grabe lang po talaga tong sakit na to halos hindi ka papatulugin. Kahit maliligo ka sobrang hirap lalong kumakati pag nababasa. At yung sabon lotion kailangan mga cethapil, oilatum aveeno lotion at aveeno thermal spray ginamit ko. Kahit nga po yung sodium chloride pina babasa katawan ko para mas mabilis matuyo. Di ko nalang po pinost ang pic. 2weeks ko siyang ginawa. At effective naman natuyo siya.

Thankyou po sa inyo sa ngayon po medyo okay nako pero sa legs madami pa. But salamat sa diyos wala na sa mukha at katawan ko. 🙏🏻 check niyo nalang po album.

Stay Healthy!

FB

Comments

comments

Karl Rivera

A computer geek who knows nothing about computer. I actually just wanted to be called a 'computer geek' for no reason at all.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.