PINOY yata ako!

Kapag nabanggit ang salitang Pinoy, maaring iba’t-iba ang maging reaksyon natin. Ang iba sasabihin na magagaling ang mga Pinoy at ang iba naman ay magbibigay ng negatibong komento tungkol dito.

Kilala ang mga Pinoy sa husay at galing maging ito man ay sa larangan ng Beauty Contest, Sports or sa sining. Sabi nga, kahit saang sulok ng mundo may makikita kang pinoy dahil sa husay nito.

Sa kahabaan ng kalye sa Imus Cavite sa may tapat ng IPM clinic ay may namataan si Adrian Bernabe na tila pinagkakaguluhan ng mga tao, inusisa niya at nakita niya ang isang lalaki na gumagawa ng mga rubber toys na gawa sa mga scrap rubber materials. Agad niyang I pinost sa kanyang FB page dahil alam nya na maraming makakabasa at makikita ang angking galing ni  Elmer Tolentino. Pagkatapos ng kanyang interview at pagkuha ng litraro agad niyang pinost sa FB page ng Guhit Pinas. Nagkaroon ito ng 5,274 shares at 11k likes. Na feature ito sa Kapuso mo Jessica Soho.

Elmer Tolentino

Si Elmer ay tubong Catbalogan, Samar at ngayon ay nangungupahan siya sa may kalye onse sa may Imus upang subukan nya ang kanyang kapalaran,

Nagsisimula si Elmer maglakad sa mga kalye at duon ay pinupulot nya ang mga sira sirang tsinelas. Mula dito ay iniipon nya at maghahanap na siya ng pwesto upang mag-buo na sya ng kanyang mga action figures.  Sa mga scrap na rubber katulad ng mga patapong flipflops at iba pang rubber scraps nanggagaling ang mga ginagawang action figures ni Elmer. Kung titignang mabuti hindi aakalain na galing ang mga ito sa mga rubber scraps. Makikita ang pagiging unique at mahusay na pagkakagawa ng mga action figures.

Ang kanyang pinagkukuhanan ng kabuhayan ay nanggagaling sa pagiging construction worker, subali’t taglay nya ang kakaibang talento kung kaya’t nakakadagdag ito sa kanyang regular na kinikita. Binebenta nya ang mga naturang action figures katulad ng Hellboy, Deadpool, Transformer Robots, ngunit hindi lamang sumesentro ang mga likha ni Elmer sa mga nabanggit na action figures. Dahil sadya siyang malikhain at nakakagawa siya ng sarili niyang mga robots kung kaya’t hindi nalilimitahan lamang sa mga orihinal na robots ang kanyang mga nagagawa. Ang mga action figures ay naibebenta nya mula P500 hanggang P600. Ang mga orihinal na likha niya ay naibebenta niya ng P200. Nakakapag uwi si Elmer ng P200 hanggang P500 kada araw. Sabi nga ni elmer kahit maliit lamang ang kinikita niya ay malaking tulong pa rin sa ipapadala nya sa pamilya niya. Kumikita na si Elmer ay nakakatulong pa siya upang maiwasan ang basura na nagbabara sa mga kanal.

Sadyang pinagpala ang mga Pinoy sa talento. Kaya Iba ang Pinoy! Mahusay!

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.