Paragis – Damo sa kalsada may benipisyo

Sa araw-araw na paglalakad mo sa kahabaan ng kalye maging ito man ay sa Metro Manila o’ sa probinsya, makikita mo ang iba’t-ibang damo sa paglalakad mo. Nguni’t naisip mo ba na maaring ang isa sa mga damong nakikita mo ay may benipisyo sa iyong kalusugan?

Ang Paragis na sa kung tawagin din ay Goose Grass, Wild Grass o’ Dog’s Tail ay maraming pangkalusugang benepisyo. Kung kaya’t ito ay naging viral sa social media dahil sa napakarami nitong health benefits. Tunay na ito ay kayamanan na galing sa ating Panginoon.

Makikita ang damong ito sa lahat na yata ng sulok ng Pilipinas at sa mga bansang may klima na katulad ng sa atin. Makakakuha tayo ng Paragis sa mga river banks, sa mga probinsya at sa mga kalsada. Wala tayong sapat na kaalaman sa mga benipisyo nito kung kaya’t hindi natin sya napapahalagahan.

Maraming tao na ang nakapagpatunay sa mabisang epekto ng pag-gamit ng Paragis, at sila ay nagpatunay na nakakapagpagaling ito ng  iba’t ibang uri ng sakit.

Ano ang mga Health Benefits ng Paragis?

  • Ang Paragis ay ginagamit sa bansang Africa bilang alternatibong medisina para sa iba’t ibang klase ng karamdaman
  • Ang mga Aeta sa Porac, Pampanga ay ginagamit ang tuyong dahon upang maging proteksyon nila sa mga insekto na nagdadala ng sakit
  • Ang mga dahon ng Paragis ay mayroong silicon monoxide na tumutulong para sa pagpapatibay ng ating buto, pagpapaganda ng ating kutis at marami pang iba, calcium oxide na ginagamit sa dental procedures, health care products at marami pang iba.
  • Ang tuyong dahon ay nagtataglay ng protina para sa buto at ating buhok
  • Ito ay nagtataglay din ng anti-inflammatory, natural antihistamine, anti-diabetic at epektibong anti oxidant.

Ang mga sakit na maaring malunasan ng Paragis ay ang mga sumusunod:

  1. Cancer
  2. Ovarian cyst and Myoma
  3. Kidney Problems
  4. Rayuma
  5. Diabetes
  6. Sugat
  7. Parasitism
  8. Urinary Tract Infection
  9. Hypertension
  10. Lagnat
  11. Pilay
  12. Dandruff
  13. Dysentery

Ang mga bahagi ng Paragis na maaring gamitin bilang Herbal Medicine ay ang mga dahon. Maari itong gawing Herbal Tea. Maari ring gamitin ang mga ugat at tangkay  ng Paragis upang makapaglunas ng iba’t ibang uri ng sakit.

Sa kabila ng mga benepisyong makukuha natin sa yard-grass, kailangan din ang sapat at balanseng nutrisyon at higit sa lahat ikonsulta rin sa mga Professional Doctors kung anuman ang maging epekto sa atin nito.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.