Pagkilala sa mga sakripisyo ng mga OFW

Bakit ka ba nagsasakrispiyo? Isa sa mga katanungan na madalas nating naririnig sa mga Pilipino na may tinataguyod na pamilya. Kadalasan sila ang mga padre de pamilya, nanay at iba naman ay mga kapatid.

Maaring sila ay nagtatrabaho sa Pilipinas, na kumikita ng malaki kung kaya’t hindi na nila iisipin na magtrabaho pa sa ibang bansa. Ngunit may mga sinusubok ang kanilang kapalaran sa ibang bansa, ang mga tinaguriang OFW. Sila ang mga nagsasakripisyo upang mabigyan lamang ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Hindi lahat ng OFW ay pinapalad na makakuha ng maayos na employer, kadalasan ang iba ay pinagsasamantalahan at hindi pa nabibigyan ng tamang sweldo. Ang iba naman ay pinagsasamantalahan katulad ng mahabang oras ng pagtatrabaho na hindi naman kasama sa pinagkasunduan ng kanilang employer. Hindi sila nabibigyan ng tamang day-off, hangga’t may nakikita ang kani-kanilang employer na ipapagawa sa kanila, ang trabaho nila ay walang katapusan.

Sa mga Pinoy workers, ang mga ganitong bagay ay mabigat ngunit hinahayaan na lang nila dahil isa sa mga sakripisyo nila para sa mga mahal nila sa buhay sa Pilipinas. Iba’t iba ang mga kwento ng mga OFW, at malalaman natin ang kanilang mga pinagdaraanang hirap kung kaya’t nararapat lamang na tawagin silang mga Bagong Bayani.

Sa isang tribute post na naging viral sa Facebook page ng mga OFW sa HongKong, may mga larawan ng mga maruruming bahay na pinagtityagaang linisin ng mga OFW dahil na rin sa bahagi ito ng kanilang trabaho. Subali’t makikita sa larawan na sobra pa sa tinakdang trabaho ng mga OFW ang pinagagawa sa kanila. Ang Admin ng nasabing FB page na si Mocha, ay hayagang nagbigay ng mataas na respeto sa mga kapwa OFW sa HongKong. Matapos ang kanilang day off, ay aabutan nila ang santambak na trabaho na iniwan ng kanilang mga employers.

Ang post ay naging viral, at nagbukas ito upang ihayag ng kapwa OFW ang kanilang parehong istorya. Maraming komento ang natanggap sa nasabing post, may mga positibo at nagbigay ng simpatya sa kalagayan ng mga OFW at ang iba naman ay nagsabi na mas mapalad ang kanilang kalagayan ikumpara sa mga OFW sa Middle East na hindi man lamang nabibigyan ng tamang karapatan kasama na ang day off sa buong kontrata nila. Kadalasan pa ay hindi sila nabibigyan ng tamang sweldo sa kanilang pinagpaguran, ang iba ay nauuwi pa sa pisikal na pag-aabuso.

Ilan nga ba ang handang magsakripisyo para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya? Ang unang kalaban sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay kalungkutan. Ang mawalay ng matagal sa pamilya ay ang pinaka-mabigat na dinadala nila lalo na ang mga bagong OFW. Ilang mahahalagang okasyon katulad ng Pasko, New Year, graduations ng kani-kanilang mga anak ang kanilang namimiss dahil nagtatrabaho sila malayo sa kanilang pamilya.

Ang mga OFW ay dapat lamang bigyan ng parangal dahil sa kanilang sakripisyo at sa kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas. Karapatan lamang na tawagin silang mga Bago at Tunay na Bayani ng Pilipinas! Mabuhay ang OFW!

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.