Pag-inom ng isang lalaki sa 1 galon ng tubig kamangha-mangha ang naging resulta!

Ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig. Ito ay nakakatulong upang maging maayos ang pagdaloy ng mga nutrients sa ating katawan. Napalitan ng tubig ang lahat ng mga likido sa katawan natin kapag tayo ay naglalakad at pinagpapawisan.

Sa panahon ngayon, karamihan sa makakasalubong natin ay may hawak na bottled water maging ito man ay mineral, alkaline, flavoured  o hindi.  Ayon sa pananaw ng iba, tayo daw  ay nanga-ngailangan ng 8 basong tubig araw-araw. Ito ay nagsisilbing gabay lamang at hindi batayan ng mga scientific research.

Ngunit may isang mamamahayag ang nag-eksperimento tungkol sa pag-inom ng isang galong tubig, ang katumbas nito ay pitong  500ml na Bottled water.

Ito ang natuklasan niya sa kanyang eksperimento:

Sa unang araw, alam niyang  maraming magiging suliranin sa  kanyang pagsusuri. Ang mga katanungan niya sa kanyang sarili ay: Kaya ba niyang  uminom ng 1 galong tubig?  Dahil magiging madalas ang pagbisita nya sa mga comfort rooms at ang mga iba pang hadlang sa kanyang eksperimento. Ngunit, mas naging determinado siya na ipagpatuloy ang kanyang pagsusuri.

Sa pang limang Araw ng kanyang eksperimento, naging madalas ang pagpunta nya sa comfort rooms mula sa 30 minuto hanggang sa  umabot na sa 20 minuto . May mga napansin siya sa kanyang pang  limang Araw ng kanyang pagsusuri , nakaramdam siya ng magaan na pakiramdam sa kanyang katawan at  madali na syang  makaramdam ng pagkabusog.

Sa ikasampung araw ng kanyang eksperimento, mas naging maayos ang kanyang pakiramdam. Nuong hindi pa niya ginagawa ang ganitong pag-aaral, naging ugali , na sa pag gising sa umaga kadalasan na ang iiniinom nya ay isang puswelong mainit na kape. Subali’t sa kanyang patuloy na pag-inom ng tubig, nakaramdam sya ng magandang pagbabago sa kanyang katawan. Napansin niya ang malaking pagbabago sa kanyang kutis. Ito ay mas naging makinis, nawala na ang mga dungis o’ peklat na dulot ng mga tagihaiwat. Ang kanyang buhok ay mas naging makintab at malusog.

Sa ika labinlimang  araw ng kanyang eksperimento, nawala ng tuluyan ang pagnanais nyang uminom ng kape, napalitan na ito ng regular routine niya na tubig ang inumin tuwing umaga sa halip na kape.  Mas naging maayos na ang kanyang pagtulog at naging mas mabilis na rin ang kanyang pagkilos. Habang tumatagal ay nagiging parte na ng kanyang  araw araw na routine ay ang pag-inom ng tubig.

Sa ika dalawampung  araw ng kanyang eksperimento, mas marami na ang naging positibong pagbabago. Marami na ang nakakapansin na malaki ang ipinagbago sa kanyang pisikal na kaanyuan. Kasama na dito ang kanyang maayos na pag-ihi. Naging mas crystal clear ang kanyang urine na dulot na rin ng  kanyang regular na pag-inom ng tubig.

Sa mahigit na tatlumpung araw na eksperimento niya sa pag inom ng 1 galon ng tubig, nagkaroon siya ng mahalagang conclusion na hindi na ito isa lamang eksperimento. Ipagpapatuloy niya ang ganitong epektibong paraan dahil nakamit nya ang maayos at malusog na pangangatawan. Umaasa sya na marami siyang matutulungan lalo na sa mga taong nagnanais na magkaroon ng mga pakinabang na nakamit niya.

 

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.