Kris Aquino at Willie Revillame MAGSASAMA sa WOWOWIN?

Dalawa sa tinaguriang higante sa larangan ng hosting at game show ay napapabalitang magsasama sa Wowowin. Ang mga tagahanga ni Kris Aquino ay muling nabigyan ng pagkakataong maging excited ng Makita nila ang kanilang idolo kasama si Willie Revillame, host ng Wowowin. Usap usapan na may mangyayaring tambalan sa dalawang kilalang host.

May mga pahiwatig  sa social media and  Queen of All Media na si Kris Aquino na nagkaroon sila ng masusing pag uusap ng kanyang “future boss” na si Willie Revillame hinggil sa isang kaabang abang na proyekto na pagtatambalan nilang dalawa.

Nagkaroon sila ng 5 oras na productive meeting sa kanyang “future Boss” at ang kanyang mga pangunahing staff at ito ang nagiging dahilan ng muli nyang pananabik na makapag host muli. Matatandaan nuong September 2016, ay nagpahayag si Kris na iiwan na nya ang ABS CBN pagkatapos ng mahigit sa 22 taon bilang isa sa mga Top stars na naturang network.

Sa isang ekslusibong panayam sa Philippine Enyertainment Portal (PEP.ph) nuong Byernes, August 25, 2017 inihayag ni Revillame na nagkaroon sila ng miting tungkol sa muling pagbabalik ni Kris sa telebisyon. Sinabi pa ni Revillame na si Arnold Vegafria, ang bagong Manager ni Kris ang nag ayos ng miting nila sa Edsa Shangri-la Hotel sa Mandaluyong.

Kinuwento ni Revillame na gusto nyang tulungang bumalik si Kris sa Telebisyon dahil malapit sa puso nya ang aktres, anak siya ng yumaong Cory Aquino at mabuti siyang tao. Matatandaan pa na sa isang panayam nasabi ni Lolit solis na si Kris Aquino ay walang mean bone sa katawan at yun din ang opinion ni Willie. Pareho lamang silang nalagay sa maling sitwasyon, kung kaya’t nahusgahan sila sa maling paraan. Sinabi pa ni Revillame na “Pareho lang naman kaming dalawa, pinapanood, inaabangan at nag rarate at yun naman ang importante, di ba?”

Matatandaan

Idinagdag pa ni Revillame na sinabi nya kay Kris na makinig sa mga payo nya dahil pareho sila ng pingadaanan at ang pagyakap sa pagbabago ay hindi madaling gawin. Idinagdag rin nya na nagkaroon sya ng miting sa mga big bosses sa GMA 7 at  hindi ganuong kadaling  ikumbinsi ang mga big bosses at ikinumpara nya ito nung nagsimula sya sa GMA 7, ngunit dagdag nya na ang importante ay mayroon ng nasimulan.

Matatandaang naging pangunahing programa ang “Wowowee” sa mahigit limang taon bago lumipat si Revillame sa TV5 nuong 2010. Nuong 2013, umalis sya sa Kapatid Network and nag bakasyon ng 2 taon bago muling bumalik sa kasalukuyan nyang istasyon ang GMA7.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.