Kailangan ba na maputi para makapasok sa modelling agency?

Kulay. Marahil ang iba ay hindi kuntento sa kulay ng kanilang kutis, marami ang gumagastos ng malaki upang pumuti lamang.

Si Anok Yai, ipinanganak sa Egypt at may lahing Sudanese ngunit lumaki sa Manchester sa New Hampshire nuong sya ay 2 taon pa lamang.

Hindi nya akalain na sa kanyang litraro ay mabibigyan siya ng kontrata ng isang modelling agency na nagpasikat sa mga kilalang celebrities katulad nina Lana Del Rey at Rita Ora. Kung si Anok ang tatanungin sa kanyang litraro ay sasabihin nya lang na average ito. Nagsimula ito ng dumalo si Anok sa isang festival at sa isang pangyayari na nakilala nya ang photographer na si Steve Hall. Sinabi niya kay Anok na may malaking pag-asa sya na maging tanyag na modelo. Agad na inupload ni Steve ang litraro ni Anok at duon na nagsimula ang lahat.

Ang damit na suot ni anok sa litrato ay halos kasing kulay na ng kanyang  maitim na balat. Kung titignan mong mabuti ay mamamangha ka sa angking ganda at mala modelong katawan niya. Kung kaya’t nuong inupload na sa instagram ang kanyang litraro ay kabikabila ang natanggap nyang tawag at maraming beses na pag seshare ng kanyang litraro.

Agad na inalok si Anok ng mga kontrata upang maging modelo at kasama na dito ang alok sa kanya upang mag punta siya sa New York.

Sa mga alok na tinanggap nya, pumirma si Anok sa Next Models agency na ang karamihan sa mga inaalagaang mga modelo ay na feature na sa mga publications katulad ng Vogue at Harper’s Bazaar.

Inilahad ni Anok sa Washington Post na naging masaya ang kanyang naging reaksyon dahil sa dami ng nag share at magagandang feedbacks na natanggap nya. Ngunit, mas natuwa siya nuong nakuha siyang modelo ng isang kilalang modelling agency. Dumaan si Anok sa iba’t ibang interviews at duon na nagsimula ang pagkuha sa kanya bilang modelo.

Nuong bata pa si Anok Yai ay pinangarap na niyang maging modelo at hindi nya nakakaligtaan na manood ng hit show na America’s Next Top Model  kasama ang kanyang kapatid na babae. Ngunit nanduon ang kanyang negatibong impresyon na hindi sya magiging sikat na modelo.

Iba ang naging ikot ng buhay ni Anok, mula sa negatibo niyang tingin  na hindi matutupad ang kanyang pangarap, binigyan siya ng pagkakataon dahil sa isang simpleng litraro upang maging bahagi ng sikat na modelling agency.

Sa aking pananaw, wala sa kulay ang ang magiging sukatan ng ating pagkatao kasama na ang ating mga pinapangarap. Kung titignan mong mabuti ang litrato ni Anok, hindi kulay ang magiging sentro ng atensyon mo kundi ang ganda ng kanyang pagdadala sa kanyang sarili. Hindi ko naman sinasabi na huwag nating pagandahin ang ating panlabas na kaanyuan, bahagi na ito ng ating kagustuhan na mas ayusin pa ang ating sarili. At hindi naman ito kalabisan. Ang alam ko lamang sa aking opinyon ay wala sa kulay ang ating tagumpay kundi sa determinasyon na abutin ang ating mga pangarap.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.