Inspiring letter from a 83-year-old woman

Isang napakagandang liham galing sa isang 83 year old woman mag iiwan ng magandang pananaw sa buhay.

Ang buhay ng isang tao maging ito man ay lalake o’ babae lalo na at pag tumuntong na sa dapit-hapon ng buhay nila, marami na silang hindi kayang magawa. Kadalasan ay nahihirapan na sila sa simpleng gawain sa bahay, nagkakaroon na rin sila ng pagka bagot sa araw at paulit-ulit na ginagawa nila.

Kung minsan ngakakaroon ng hindi magandang Psychological effect sa mga nagkaka edad ang mga limitadong nilang gingawa. Kung minsan naapektuhan na rin pati ang sistema nila ng pag-iisip, nagkakaroon sila ng memory gap at paglaon ay tuluyan na itong nawawala.

Minsan sa buhay natin babalikan natin ang mga bagay na minsan kumurot sa damdamin natin. Kung minsan din nakakalimutan natin na minsan inalagaan nila tayo, subalit ngayong na nagkaka-eded na sila nagiging iritable na tayo sa mga ginagawa at kinikilos nila.

Ako bilang isang anak, malaking espasyo ang kulang sa buhay ko ng nawala ang aking ina, nagkasakit siya ng dementia, subalit hindi kailanman kami nawalan ng pag asa at lalo pa naming siyang minahal kahit hindi dumadapo sa kanya ang sakit na ito.

Alam naming napakabuting ina nya para sa aming lahat.

letter from 83 year old women

Ang sabi nga ni Albert Einstein “Matuto sa nakaraan, mabuhay sa ngayon at umasa para bukas”

Ang bawat araw, ang bawat pagsikat nito ay nabibigyan tayo ng pagkakataon na ayusin o baguhin ang mga bagay sa tamang paraan. Ang bawat pangarap na maging masaya at maging payapa sa lahat ng tao at nagbibiay ng inspirasyon upang maipamuhay natin ito ng maayos kasama na dito ang pagiging mapagpasalamat sa araw araw na biyaya ng Diyos.

Maraming tao na nagkakaedad ay inuubos na lamang ang mga nalalabing panahon sa kailang mg apo, at kung hindi man sila nakatira sa mga anak nila, nauubos ang panahon nila sa paghihintay sa gabi upang magpahinga at hintayin muli ang umaga sa panibagong buhay.

Nangiging cycle na sa kanila ang ganitong buhay. Kung maari lamang na sabihin sa kanila na marami ang nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga taong dumadating na sa dapit hapon ng buhay nila. Marami pang maaring gawin hindi lamang ang pag-upo sa isang rocking chair o ang pag tingin sa malayo.

May isang liham na nagtatak sa aking isipan, sinasabi niya na ang buhay ay palaging iisipin natin na ito na ang huli dahil marami tayong magagandang ala-ala na pwedeng iwanan kung ito man ay huli na natin sa daigdig.

Ang liham na to ay para kay Bertha, hindi nagpakilala ang gumawa ng liham na ito subalit masasabi natin na sya ay isang 83 years old:

Mahal Kong Bertha

Ako ay nagbabasa ng maraming aklat at hindi ko na alintana ang mga alikabok sa mga libro na hawak ko. Ako ay kasalukuyang nakaupo sa isang magandang bangko at hindi ko na alintana kung maraming damo ang nakapaligid sa akin.

Nabibigyan na ako ng mas maraming oras para sa mga mahal ko sa buhay at mas maikli na ang panahon ko sa mga gawaing bahay.

Kung maari lamang na ang buhay ay nararapat na linya ng mga karanasan na ating mamahalin at itatago at hindi ito magsisilbing balakid sa atig buhay.

Nagsimsimula akong mahalin ang mga bagay na ito. Hindi ako nag-iipon ng kahit anumang salapi, ginagamit naming ang aming China wares at mga kristal para sa mga mahahalang pagtitipon.

Kasama na diyan ang mga bagay na hindi na namin masyadong binibigyan ng kahalagahan, natutuwa kami sa mga pagsulpot ng mga amaryllis blossom.

Isusuot ko ang aking magandang blazer para pumunta sa palengke. Ang aking iniisip ay kung maganda ang aking panlabas magkakaroon ako ng $28.49 para sa isang maliliit na bag ng grocery.

Hindi ko tinitipid ang aking mga mababango at mahal na pabango para sa mga espesyal na mga parties, ngunit ito ay ginagamit ko sa pagpunta sa mga hardwares at sa mga tellers ng mga bank.

Maaring isang araw ay mawawala na sa mga kamay ko at sa isipan ko ang mga salitang naalala ko pa ngayon, maaring ngayon ay naririnig ko pa siya at nararamdaman.

Hindi ako sigurado kung ang ginagawa ko ngayon ay ginagawa din ng ibang kasing edad ko, sana lang ay i-cherish nila ang bawat araw sa buhay nila. Maraming bagay ang dapat gawin, maging close sa mga family members at sa mga kabibigan na rin.

Maari din na tawagin ang mga munting kaibigan at kung may nakasakitan ng loob at hindi pa huli upang humigi ng tawad o sorry  kung ang panahon ko ay limitado na.

Ang mga maliliit na bagay na naiwan lamang ay magkakaroon ng masikip na parte sa puso ko. Ang paghiningi ng tawad o pagsasabi ng sorry sa lahat ng miyembro ng pamilya at makakapagpalubag sa loob nating lahat.

Sinisikap ko na huwag nag i-tago ang mga bagay na magiging magaan para sa akin at sa aking mahal sa buhay, hindi na kailangnag magtipid kung ito man at makakadagdag sa saya.

Ang bawat pagsikat ng araw na tumitimbad sa aking mga mata at nagsasabi sa akin na ito ay mahalaga. Araw araw, minu-minuto, ang bawat paghinga ay isang malaking pag papapala.

Ang buhay ay hindi katulad ng isang magarbong kasiyahan nating pinapangarap subalit maaring nating isayaw ang bawat musika na ating naririnig at sasabayan ng isang masayang pagsasayaw. Dahil ang buhay ay punong pumo ng saya at pasasalamat.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.