Iba’t iba uri ng selfie, magandang lagay sa FB!

Selfie, dito, selfie duon. Kung wala kang celphone naku maaring makakaligtaan mo na kunan ang sarili mo na ang tawag ay Selfie. Iba’t iba uri ang selfie, magandang ilagay sa FB!

Bakit nga ba tayo nag seselfie? Maaring isa itong therapy sa mga taong may pinagdadaanan. Kukunan lang nya ang sarili nya na nakasimangot at muli nya itong tititigan, duon nya malalaman na mas maganda pala kapag nakangiti kasi mas gumagaan ang buhay.

Ano nga ba ang Selfie? Kahit yata isang maliit na bata ay alam ang katagang ito. Sa mundo na halos ay gumagamit ng iba’t ibang klase ng social media katulad ng Facebook, Twitter at Instagram at marami pang iba. Mapapansin mo na iba’t ibang uri ng selfie ang makikita mo

Ayon sa mga Psychologist ang tawag sa selfie ay “generation of self-obsessed” maaring kokontra o di sasang-ayon ang iba. Ang selfie ay nakakapagpasaya lalo na kapag alam mo na maganda ang gising mo o nasa isang lugar ka na lalong magpapaganda sa iyo.

Maraming techniques sa pagkuha ng selfie. Maari mo itong ma upload sa iyong sariling celphone, digicam at marami pang iba. Naala ko pa nung nauso ang duck face isang uri ng selfie na naglalarawan na mistulang duck ka sa selfie mo .Naging viral ito at lahat halos lahat ay gumagaya nito.

Tatalakayin natin ang iba’t ibang uri ng selfie upang mas mapaganda ang iyong social media katulad ng Facebook:

  1. Duckface – maalalang kahit na mga tanyag na artista ay ginagawa ito upang mas nagiging kapanapanabik ang mga photos mo sa social media
  2. Lipbite- isang uri ng selfie na simple lang ang gagawin mo, kagatin mo lang ang labi mo at ayun makakagawa ka ng cute na selfie. Nguni’t kung minsan may mga binabagayan din naman ito.
  3. Mirror Selfie – Mas magiging makatotohanan kapag nakaharap ka sa salamin. Ang iba pa nga ay nag mimirror shot pa sa mga mamahaling hotel upang maipakita nila kung saang lugar sila nagpupunta
  4. Asian Look or Japan Japan- Ilagay lamang ang tamang peace sign sa sa gilid ng iyong mga mata at masmimistula ka ng galing sa Japan.
  5. Emotera – ito yung selfie na kailangan ng tamang timing sa kalungkutan na nararanasan mo, at mas maganda kung sa pagpatak ng luha mo ay kasama ito sa selfie. Mas magiging realistic at siguradong maraming comments at sad face ang makukuha mo.
  6. Kain-kain pag may time – ito ang uri ng selfie na inihahayag mo sa bansang Pilipino kung ano ang kinakain mo, lalo na kung pagkain sa hotel ang kukuhanan mo.
  7. With Pet – isa sa mga paraan ng ibang pinoy na nagpapakuha kasama ang kanilang paboritong pet, habang yakap ay kukuhanan ng selfie. Isang paraan para malaman ng iba kung gaano ka ka responsable bilang pet owner.
  8. Normal – ito ang isang uri ng selfie na mag-iisip ang mga followers mo kung ano ang mga pangyayari sa iyo. Maaring hindi ka nakangiti, malamlam ang mata at simple lang. Nang sa gayun ay magkaroon ng mystery sa selfie mo na ito.

Marami pang paraan upang mag selfie, nguni’t ang pinaka importante ay tutuoo ka sa sarili mo, hindi kailangang magkunwari at lahat naman ng bagay na alam nating “fake” ay hindi naman aani ng maganda. Sabi nga kahit anong ganda ng selfie mo kung niretoke naman ito ng phtoshop wala ring saysay. Naalala ko ang isang kasabihan na “Beauty is in the eye of the beholder” tama naman di ba?

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.