“End of Rainbow” Kamangha mangha ayon sa mga Japanese Netizen

Sino ang hindi magkakaroon ng kagustuhang malaman ang tungkol sa Rainbow o Bahaghari? Sa iba, isang ordinaryong bagay o pangyayari lamang ang kagandahan ng Rainbow, subali’t makukuha ng atensyon mo kapag nagpakita na ito ng ibat ibang kulay sa kalangitan. Ang Rainbow o’ Bahaghari ay isang likas na pangyayari  katulad ng pagsikat ng araw, iba’t ibang  panahon katulad ng  tag-init o tag-lamig, pag-lindol, kulot at kidlat, at marami pang pang iba. Ang Rainbow ay  makikilala dahil sa angking kagandahan nito at mga kwento sa likod nito. Ang  iba ay magical ang pagkakahalintulad sa Rainbow  katulad ng mga Unicorn, leprechauns,  “Pot of Gold”. Sa mga Christians ito ay isang pangako ng Panginoon na kailanman ay hindi na muling magkakaroon ng malaking baha na nangyari  Lumang Tipan sa panahon ni Noah.

Sa kabila ng iba’t ibang magical at religious beliefs sa Rainbow….nagtataka ka ba at nag iisip kung ano ang nasa dulo ng Rainbow? Makikita mo sya sa kanyang napakagandang kulay …Pula, kahel, dilaw, berde, indigo at violet, ngunit sumagi ba sa isip mo kung ano ang kwento sa dulo nito? Marami ang nagtangkang hanapin ang “end of a rainbow” subalit may mga hindi naging mapalad na masulyapan  ito.

Isang Japanese netizen na hanggang sa sinusulat ang artikulo na ito ay hindi pa kilanlan ang tunay na pangalan,  nakasaksi at namangha sa majestic na “end of a rainbow”   Napatigil sya sa pagmamaneho at kanyang kinunan ang pambihirang pagkakataon na ito.  Pinost nya sa kanyang twitter account,  na simula pa nuong august 17 ng kanyang unang nilathala ang larawan ay nagkaroon na ng mahigit na 68,000 retweet at naging isa sa mga pinag uusapan at kinagigiliwan ng mahigit sa 188,000 beses.

end of the raibow road
Rainbow after a storm in Orange County, California (c) Telegraph.co.uk

Sa kanyang nakuhang larawan, makikita na ang end of a rainbow ay hindi arko ng ibat ibang kulay ngunit ito ay parang isang bagay na umusbong sa lupa, walang “pot of gold”, unicorns o maging leprechauns. Ang kanyang komento sa kanyang tweeter tungkol sa pangyayaring ito ay “first time seeing the end of a rainbow”. Maraming naging komento hinggil sa tweet na ito, maraming nagulat at ang iba naman ay nakapagpakita ng mga lumang larawan na nagpapakita ng katulad nito.

Ayon sa artikulo sa LiveScience, hindi mo kailanman kayang arukin ang “horizon” abot tanaw mo lang ito. Kung kaya’t hindi mo mararating ang dulo ng rainbow. Ito ay nabubuo sa maliliit na patak ng tubig dahil sa sikat ng araw, at ito ay lumalabas pagkatapos ng pag-ulan. Maaring masulyapan mo ang kabuuan ng rainbow, ngunit hindi ang simula at dulo nito.

Hindi man marating o’ makakita ng “pot of gold” sa dulo ng bahaghari, ang pagkakataon na ibinigay sa atin upang masulyapan ang isang kamangha manghang nilalang ng Dyos ay di mapapantayan ng samut-saring pagtuklas sa hiwaga nito.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.