Why Crying is actually good for us

Iyakin ka ba? May mga magandang katangian ang naidudulot nito!

Ang tao mula ng pagkasilang ay kasama na ang pag-iyak, maraming kadahilanan kung bakit. Maaring hinahanap ng isang sanggol ang kanyang Ina, nagugutom o may sakit.

Sa pagdaan ng panahon, hanggang sa tayo ay nasa tamang gulang na, nakakaramdam tayo ng iba’t ibang emosyon. Naluluha tayo dahil sa galak, yung sa sobrang tuwa natin ay napapaiyak tayo. Minsan naman may mga mabibigat na pangyayari na wala na tayong maaring gawin kundi ang umiyak na lamang.

why crying is good

Alam nyo ba na ang bawa’t luha natin habang nananalangin ay isa-isang inilalagay ng Diyos sa  mga botelya? Ayon sa Psalmo 56:1-5 isinulat ito ni David habang nasa gitna sya nga kalungkutan at takot. Sinabi nya sa ating Diyos na ilagay ang bawa’t luha sa mga botelya, upang maalala ng ating Diyos ang lahat ng ating masasakit na pinagdaanan.

Sa ating buhay, hindi masusukat sa ating pagkatao kung sa ating mga kahinaan ay makaramdam tayo ng pagkalungkot. May ibang mga tao na sasarilinin na lamang nila ang kanilang mga negatibong emosyon at sila ay iiyak na lamang.

why crying is good for you

Malaki ang maitutulong ng paglabas ng ating emosyon sa pamamagitan ng pag-iyak. Hinayayaan ng paraan na ito na maging natural tayo, na tayo ay tao na nakakaramdam ng pighati, patanggi ng iba sa ating kabuuan, galit at kung minsan at pagkawala ng pag-asa.

Sa artikulong ito ay maraming paraan upang mapaglabanan ang mga negatibong emosyon kasama na dito ang ating pag-luha o paglabas n gating nararamdaman :

Dadamahin mo na mas malakas ka na at kaya mo ng harapin ang mga suliranin. Ang pagkatalo sa anumang suliranin, ay hindi nagsasaad na ito ay katapusan na ng lahat. Kung minsan, nagiging mas matibay pa tayo dahil sa mga unos na dumadaan sa buhay. Kailangan lamang ay determinasyon, paniniwala sa sarili na kayang tumayo kung saan man nadapa, focus at matinding pananampalataya.

crying is not bad

Mas magiging kontrolado mo na ang bawa’t sitwasyon sa buhay mo. Sa halip na pigilin ang sarili na umiyak, hayaan na dumaloy lamang ang mga luha. Makakaramdam ka ng kakaibang pakiramdam na makakapagpalaya sa kasalukuyan mong sitwasyon. Makakakita ka pa nga na may mga lalaki, na sa sobrang bigat ng pinagdadaanan ay mapapa-iyak at pagkatapos nito ay magkakaroon ng maayos na desisyon sa suliranin. Naalala ko ang t-shirt na nakita kong suot ng isang lalaki ang sabi “Real Men Do Cry!”. Sa aking pananaw,  tama ito. Hindi sukatan ng ating kahinaan ang pag-iyak imbis magiging mas malinaw pa ang bawat gagawin nating hakbang sa mga susunod pang mga pagsubok.

Huwag nating isipin ang sasabihin ng iba, ang mas mahalaga ay tumayo kapag nadapa. Yakapin ang pag-babago, maniwala sa kakayahan at manalig na kailanman ay hndi tayo papabayaan ng Diyos. Hindi mahalaga ang sasabihin ng iba sa kung ano ang pinagdadaanan natin, ang mas mahalaga ay maging totoo sa sarili.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.