Bakit Christmas Tree ang naging simbulo ng Pasko?

Christmas song na naisulat  dahil sa unang Fir Tree na nagsisimbulo ng katapatan at marahil makakapagpasaya sa atin, ngunit mas maganda at lalong makakapagbigay sa atin ng galak kung may Christmas Tree tayo sa ating mga bahay.

Sa halos ilang dekadang nagdaan, nagiging sentro ng Pasko sa Pilipinas bukod sa parol ay ang Christmas Tree. Iba’t ibang hugis, may maliit may malaki, may plastic at may gawa sa sanga ng puno, may iba’t ibang kulay na napapalamutian ng mga ornaments at nilalagyan pa ng Christmas lights upang mas lalong tumingkad ang ganda nito. Madalas nating makita ang mga ito sa mga shopping malls at maging sa mga daan makikita mo na isa ito sa nakakapagpatingkad ng Holiday Season.

Sinasabing galing ang origin ito kay Saint Boniface nuong taong 722 sa Germany. Nakasalubong nya ang mga Pagano na may isasakripisyong isang paslit sa pinaka sentro ng oak tree. Pinutol nya ang puno upang maiwasan ang pagsasakripisyo sa paslit at may tumubong Fir tree na hugis Christmas tree. Sinabi ni Boniface sa lahat ng tao na ang magandang kulay berdeng puno na nakatutok sa kalangitan ay holy tree, nagsisimbulo ng batang si Hesus at ang kanyang pangako ng buhay na walang hanggan.

Marami pang mga kwento tungkol dito, kwento ni  Martin Luther, mga Middles Ages, German at Scandinavians tale tungkol sa Christmas tree, kwento nina Queen Victoria at Prince Albert nuong 1840s at 50s at marami pang iba’t ibang origin ng Christmas Tree.

Sadyang napakalalim ng pinagmulan ng Christmas Tree, hindi lang siya basta’t palamuti sa bahay at sa mga shopping malls kundi ang mas malalim na kahulugan nito.

Ngayong malapit na ang Pasko, ating gunitain ang tunay na kahulugan nito. Maaring inilagay mo lang ang Christmas Tree upang mas gumanda ang tahanan mo, pero ang mas dapat nating bigyan ng atensyon ang tunay na kahulugan ng Pasko. Sabi nga, ang pasko ay pagbibigayan ng regalo, bagong damit, Christmas bonus, at marami pang iba. Subali’t idagdag natin na ang tunay na kahulugan ng Pasko ay kapanganakan ni Hesus na dala ang pangako ng kapayapaan, pagmamahal at buhay na walang hanggan. Isapuso natin ang tunay na kahulugan nito araw-araw at patuloy na pananalig sa Kanyang iniwang pangako para sa ating lahat.

Basahin nyo iyo kung gustong kumita ng pera at maka take advantage sa dagsang mabibili at naghahanap ng negosyo na pwede ngayong parating na Christmas.

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.