Ang Kwento ng Balikbayan Box na marahil kwento ng karamihang OFWs

Karaniwan na, ang imahe ng mga OFW ay nakaakibat na sa Balikbayan box. Ang isang ina na nagtatrabaho bilang OFW ay maingat na inaayos ang mga damit at iba pang ilalagay nya sa balikbayan box isa-isang inaamoy at hinahalik-halikan habang maingat na inilalagay sa loob ng kahon. Ito ay isang paraan upang kahit papaano ay maipadala nila ang kanilang yakap at halik sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ang Balikbayan box ay maingat na itinatali, nilalagyan ng packaging tape at muling ibinabalot dahil sa dami ng pinagdadaanan nito hanggang sa makarating sa bansa. Maraming sakripisyo at pagtitipid ang inilalaan ng mga Pinoy sa abroad upang makapagpadala sa mga kamag-anak sa Pilipinas. Minsan ang tawag pa nga nila dito ay “drop box” dahil matyaga nilang pinag iipunan ang mga bagay na hinihingi ng mga kamag-anak nila sa Pilipinas at isa-isa nilang inilalagay  sa kahon hanggang sa mapuno ito at maipadala sa atin.

Hindi nyo ba napapansin na sa bawa’t balikbayan box na binubuksan natin, nandun ang mabangong aroma kahit milya-milya ang pinagmulan nito. Ito ay nagtataglay ng matamis, mahalimuyak at excitement. Naglalaman ito ng magandang buhay dahil sa bawa’t laman nito ay iniingatan para sa atin. Aroma ng pag-ibig at pagka-miss sa mga pamilya.

“Amoy states!” yan ang kadalasang nasasambit kapag binuksan mo ang isang balikbayan box. Ang bawa’t myembro ng pamilya ay excited sa pagbubukas nito, hindi alintana ang dami ng tali at kung anu-anong packaging tapes.

balikbayan box chocolates

Kahit saan pa man nanggaling ang mga boxes na ito, maging sa Europe, Middle East o’ sa mga kalapit-bansa,  ang napakakapal na kahon na ito ay naglalaman ng aroma. Kahit ano pa man ang laman nito, ang balikbayan box ang nagiging koneksyon natin sa mga kamag-anak natin sa ibang bansa.

May na-alala akong isang pelikula ni Leah Salonga at Aga Muhlach, na ang bawa’t Filipino sa abroad ay nagtitiis makapagpadala lamang sa atin….ngunit minsan nakakalimutan man lang nating magpasalamat.

Sa teknolohiya ngayon, napakadali ng magpadala ng message dahil nandyan ang Facebook, Twitter, Instagram, Skype, Viber at kung anu-ano pang mga kaparaanan upang magadala tayo ng “simple thank you”, pictures at messages.

Ito ay kahon ng Pag-ibig, bukod sa ang tawag dito ay balikbayan box. Maraming OFW ay nagtitiis na mag double job, tiisin ang lungkot dahil malayo sa pamilya, dumadating ang Christmas Season na minsan mag-isa lang sila sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan. Tumatagal sila mula 5 hanggang 7 taon upang maipon ang perang dapat na maipambili nila ng tiket pag uwi sa pilipinas. Nguni’t mas pinili nila na ipadala na lang ang mga naipon upang makadagdag sa pag-aaral, sa pagpapatayo ng bahay at ang paglalagay ng samu’t saring gamit sa loob ng balikbayan box.

balik bayan box for christmas

Kapag nakatanggap tayo ng balikbayan box ang kapalit lang naman nito ay isang malaking “Salamat po,” alam ko mapapasaya na natin sila. Marami silang sakripisyo, mapadalan lang tayo ng mga kailangan natin, hindi lang laman ng balikbayan box ang nagpapasaya sa atin, sana’y sa tuwing makakatanggap tayo ng balikbayan box, alalahanin natin na mahal nila tayo.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.