Ang iyong Labi at bibig ay may sinasabi tungkol sa Iyong Pagkatao

Sa isang artikulong nabasa ko, ang labi ang isa sa pinakamahalagang parte ng mukha ng isang babae bukod sa kanyang mga mata. Sa larangan ng siyensya, marami ang dumadaan sa iba’t-ibang proseso upang mapaganda ang kanilang labi at bibig.

Naniniwala ka ba na ang iyong labi at bibig ay nagbibigay ng kahulugan at pagkakaugnay sa iyong personalidad at kalusugan?

Ayon sa mga Psychologist ang hugis ng mga labi at bibig ay may iba’t ibang kahulugan, maari itong ihanay sa lapad, sa laki o’ sa nipis.

Maraming paraan upang malaman ang personalidad sa pamamagitan ng itsura ng iyong labi at bibig.

Makapal na labi

big lips

Halos lahat ng kababaihan ay nagnanais na magkaroon ng ganitong uri ng  labi. Katulad ni Angelina Jolie, gumagastos pa sila upang mapalapad nila ang kanilang mga labi. Ang pagkakaroon ng ganitong labi ay nagpapakita ng malakas na personalidad, matapang, pursigido nguni’t may pagka-emosyonal  pa rin.

Manipis na labi

thin lips

Karamihan sa mga babaeng may taglay na manipis na labi ay nagpapakita ng pagiging mahiyain at may pagkamalihim. Gayunpaman, ang mga babaeng nagtataglay ng ganitong klase ng labi ay kadalasang may pinag-aralan at madali nilang maabot ang tagumpay.

Maliit na Labi

small lips

Ang pagkakaroon ng maliit na labi ay kadalasang nagtataglay ng pagiging mapag-bigay at pagiging malambing. Madali silang pakisamahan at sila ay magalang at mapagmahal. Bukod sa mga katangian na nabanggit, madali silang maloko o’ mapaglaruan at dahil dito ay kaunti lamang ang kanilang mga tapat na kaibigan.

Malaking Bibig

Kapag ang iyong bibig ay mas malaki sa iyong ilong at kinukuha nito ang kalahati ng espasyo ng iyong baba, ikaw ay may malaking bibig. Ang mga katangian ng may ganitong uri ng bibig ay kadalasang makapangyarihan at may malakas na paninindigan. Ang pagiging perfectionist ang isa sa kalakasan nila kung kaya’t marami silang nagiging kaibigan. Madaldal at mahilig sa mga pakikipagkwentuhan.

Hugis Pusong Labi

 

Kapag ikaw ay nag-aangkin ng makapal na labi na may hugis ng busog ni kupido, malamang na ikaw ay may hugis pusong labi. Karamihan sa mga babaeng may ganitong hugis ay walang takot sa kanilang desisyon at may angkin silang ugali na kaya nilang mapag-isa. Mahilig silang makipaglaban sa mga bagay na alam nila na kaya nilang panindigan. Sila ay pursigido sa mga bagay tungkol sa buhay at may kakayahan silang ipakita ang kanilang nararamdaman sa lahat ng oras at panahon.

Lumalaylay na labi

Ang mga babaeng nagtataglay ng ganitong uri ng labi ay mas tahimik, gustong mapag-isa at matalino. Ang kanilang talino ay nagiging dahilan upang matakot ang iba na mas mahina ang personalidad na kausapin o’ makipagkaibigan sa kanila. Kapag ang iyong labi ay parang lumalaylay pababa at parang nakakaramdam ng bahagyang pagkapal, ikaw ay may downturned lips o’ lumalaylay na labi.

Pabilog na labi

rounded lips

Ang mga pabilog at pa-ikot na labi ay karaniwang makapal sa isang maliit na bibig. Sila ay karaniwang bukas sa opinyon  ng ibang tao at mahilig silang magtanong sa iba’t ibang bagay. Mahilig silang tumuklas ng mga bagay na kadalasan ay nauuwi sa hindi magandang resulta, sila ay nagiging rebelde at pala-away.

Ellipsoidal Lips

Ang mga babaeng nagtataglay ng ganitong uri ng labi ay may oval o’ pabilog ngunit walang peaks o’ hiwa sa itaas ng kanilang labi, subali’t ang ibaba ng kanilang labi ay bilog at buo. Ang mga nagtataglay nito ay may katangian ng isang kabataan at masiyahin. Kadalasan ang mga tao ay naakit sa mga ganitong uri ng personalidad,  dahil na rin sa kanilang pagiging masigla at masaya.

Ang ating bibig at labi ay makakapagbigay ng iba’t ibang uri  ng ating personalidad. Nguni’t hindi dito nakasalalay ang  pagkatao. Maari tayong maging masaya, matapang o’ maging determinado ayon sa ating kagustuhan at kung saang direksyon natin mapunta ang  pangarap at adhikain.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

google.com, pub-0517419204393969, DIRECT, f08c47fec0942fa0