5 Taong gulang na batang babae naging tagapag-alaga ng kanyang lola at nga kanyang great grand mother

Habang sinusulat ko ang artikulo na ito ay may kurot sa puso ko. Maraming bata ang nabibigyan ng magandang opportunidad para makapag-aral, mag-saya at mabigyan ng mga bagay na makakapagpasaya sa kanila. Subali’t minamadali nila ang kanilang kabataan, gusto na nilang lumaki, magtrabaho at makapagdesisyon para sa sarili nila.

Naging hindi pangkaraniwan  ang takbo ng buhay ni Anna, siya ay 5 taong gulang na batang babae na nakatira sa Southwest China. Siya ang nag-aalaga sa kanyang lola at nanay ng kanyang lola na 92 taong gulang na, nangyari ito nuong siya ay iniwan ng kanyang ina at ng nakulong ang kanyang ama. Parehong bedridden at may sakit ang kanyang mga lola kung kaya’t si Anna lamang ang naging sandigan ng mga ito.

Kung titignan sa normal na sitwasyon, ang 5 taong gulang na bata ay kailangang nag-aaral at naglalaro lamang, subali’t iba ang naging kaso ni anna. Bukod sa mga gawain sa bahay, si anna rin ang naglilinis at nagpapaligo sa kanyang mga lola bukod pa sa pag-alalay sa mga ito. Isipan natin na sa murang katawan nya ay nakakaya nya buhatin ang mga lola nya.

Maaga pa lamang ay kailangan na ni anna na gumising upang magampanan nya ang mga tungkulin nya, na ang ibang bata kahalintulad ng edad nya ay pumapasok sa paaralan.

Siya ang nagluluto at may mga kapit-bahay naman na kusang loob na nagbibigay ng mga gulay upang ito ang kanyang mailuto. Sa murang edad ni Anna, kailangan pa niyang tumuntong sa isang maliit na bangko upang makapaghiwa ng gulay at makapagluto.

5 year-old-girl looks after grandmother and great grandmother Zhuyuan village Guizhou province China

Ang lola ni Anna ay may severe septic arthritis, sakit na nagpapakirot sa buong buto mula sa paa hanggang sa tuhod kasama na ang mga balakang kung kaya’t si Anna lamang ang umaalalay dito.

Maraming bagay ang nagtutulak kay Anna upang tumigil sa ginagawa nya dahil napapagod na rin siya at sa murang edad nya ay napagkaitan na sya ng mga bagay na dapat ay ibinibigay na sa kanya. Ang sagot lang ni Anna, kung bakit ipinapagpatuloy pa nya ang gawain na ito ay “Kagustuhan na ni Anna na makita na malusog pa rin ang dalawang  lola nya.”

Maraming dahilan upang malungkot at umiyak na lamang si Anna subalit magpapatuloy pa rin siya hanggat nakikita pa rin ni Anna na masaya at malayo sa sakit ang kanyang mga  lola.

Kung minsan sa buhay natin, marami tayong hindi nakikita na pagpapala sa atin, kasi naka focus lamang tayo sa kung ano ang wala tayo. Bakit di natin simulan na bilangin ang bawa’t biyaya na ipagkakaloob sa atin at patuloy na magpasalamat.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.